Mga lalawigang nagre-remit ng kita sa Jueteng , dumarami ayon kay Sec. Aguirre

0
ag1

Nadagdagan ang bilang ng mga lugar na nagre-remit ng kita mula sa Small Town Lottery o STL.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na umaabot na sa limamput-anim na lugar ang nagreremit ng kita mula sa 18 lugar na nagreremit ng kita sa PCSO noong 2016.

Naniniwala si Aguirre na posibleng tumaas pa sa siyamnaput-isa ang mga nagreremit na lugar sa pagtatapos ng 2017.

Ayon sa kalihim, bunsod ito ng  kautusan ni Pangulong Duterte  na alisin ang mga iligal na sugal gaya ng jueteng.

Sa ilalim aniya ng Executive Order No. 13 ni Duterte, ang PCSO na lamang ang binigyan ng kapangyarihan na magpatakbo ng numbers game.

Dahil dito nawala ang paghahari-harian  ni Atong Ang sa illegal gambling.

Inihayag ni Aguirre na isa rin ito sa rason kaya siya pinagiinitan ng gambling operator na si Charlie Atong Ang.

Mistulang nababaliw na rin aniya si Ang dahil sa alanganin na ang kanyang kita sa sugal na araw araw na umaabot ng sampung milyong piso.

Dagdag pa rito ang kinasangkutan na kontrobersya ng kaibigan ni ang na si Jack Lam.

Una nang inatasan ng  PCSO ang Meridien Gaming Corporation  ni Ang na itigil ang numbers game operation nito  sa lalawigan ng Albay dahil kinukumpetensya nito ang STL doon.

Ulat ni: Moira Encina

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *