Mga lider ng Senado at Kamara, magpupulong para talakayin ang Legislative Agenda ngayong 17th Congress

0
farinas

Magpupulong ngayong araw ang mga lider ng Senado at Kamara ng 17th Congress para talakayin ang mga legislative agenda ng dalawang kapulungan.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, tutukuyin ng mga lider kung alin sa mga panukalang batas na nakalista sa priority measures ang nararapat na unahing ipasa.

Ang Kongreso ay magbabalik-sesyon ngayon mula sa kanilang mahigit isang buwang bakasyon at magsi-sine die adjournment sa June 03 hanggang July 23.

Kabilang sa 39 Bills na nasa legislatives priorities ngayong 17th Congress ay ang: Charter Change tungo sa Federalism; Government Procurement Reform Act amendments; Social Security Act amendments; Income Tax Reform Act; at Traffic and Congestion Crisis Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *