Mga mamamayan ng Lebanon na tumakas sa giyera, nagkanlong na lamang sa makeshift shelters sa gitna ng malakas na mga pag-ulan

Rain falls over tents used by displaced people on a street along the corniche overlooking the sea, following an escalation between Hezbollah and Israel, amid the U.S.-Israeli conflict with Iran, in Beirut, Lebanon, March 15, 2026. REUTERS/Amr Abdallah Dalsh
Mahigit sa 800,000 katao o humigit-kumulang 15% ng populasyon ng Lebanon, ang lumikas mula sa kanilang tahanan mula nang magsimula ang opensiba ng Israel sa kanilang bansa makaraang paputukan ng Lebanese Hezbollah group ang Israel bilang suporta sa kaalyado nitong Iran noong Marso 2.
Nagresulta ito sa pagkakadamay ng Lebanon sa Middle East conflict, 15 buwan mula noong huling magkaroon ng Israel-Hezbollah war.
Ngayon ay ang malakas na mga pag-ulan naman ang kanilang problema, laluna’t kakaunti lamang sa mga na-displaced o nasa 132,000 ayon sa Lebanese authorities ang nasa collective shelters.
Ang iba rito ay nagkalat na sa iba pang mga lugar, ang iba ay nasa kanilang mga kaanak, ang iba ay nasa hindi pa tapos na mga gusali o host communities at mas marami ang nasa mga lansangan.
Si Hussain Murtada at kaniyang pamilya ay nagkanlong sa likod ng isang maliit na trak, at tanging tarpaulin lamang ang kanilang pantabing at nagsilbing pananggalang sa malakas na ulan, dahil wala nang malugaran sa mga shelter na nasa timugang bahagi ng Sidon City sa Lebanon.
Ayon kay Murtada, “We are putting tarp over it because we’re soaked. I asked here at the schools and they are full, they’re all full. What should I ask for? I just want a shelter for me and the children.”
Si Murtada at kaniyang pamilya ay lumikas mula sa bayan ng Hanawiya, may 12 km (8 miles) mula sa border ng Lebanon at Israel.

A displaced man stands next to a tent during rainfall, following an escalation between Hezbollah and Israel, amid the U.S.-Israeli conflict with Iran, in Beirut, Lebanon, March 15, 2026. REUTERS/Amr Abdallah Dalsh
Si Mohammad Marie naman na tumakas mula sa siyudad ng Nabatieh sa southern Lebanon, ay nagkakanlong sa ilalim ng isang puno sa seafront Corniche ng Beirut, na nilagyan lamang niya ng isang plastic sheet na tinangay naman ng hangin.
Aniya, “It might keep raining for a week, so where will I go? I will stay here, what else can I do? I have no shelter except here, under this tree. I don’t have a tent, I don’t have anything, and my financial situation is very difficult. I have no money to rent a house.”
Noong Biyernes ay naglunsad ang United Nations ng $308 million flash appeal, upang tulungan ang Lebanon na makaagapay sa epekto ng giyera.
Ayon sa Lebanese health ministry, ang pag-atake ng Israeli ay ikinamatay na ng 850 katao at ikinasugat ng mahigit sa 2,100 iba pa sa Lebanon simula noong March 2, kabilang dito ang 107 kabataan at 66 na mga babae. Ngunit hindi nabanggit kung ilan sa mga ito ang mga sundalo.
Dalawang Israeli soldiers ang napatay sa southern Lebanon, habang wala namang napaulat na namatay sa Israel bilang resulta ng Hezbollah rocket at drone attacks simula noong March 2.