Mga manggagawa ng pamahalaan hinimok ni Pang. Duterte na magsuot ng gawang Pinoy
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga manggagawa ng pamahalaan na magsuot ng mga produkto na gawa sa bansa.
Ito rin ang kanyang panawagan sa mga heneral at mga sundalo na magsuot ng mga locally-made boots na galing sa Marikina City na talagang gawang pinoy.
Ginawa ng Pangulo ang pagkumbinsi sa harap ng mga delegado at mga gabinete na sumama sa kanyang state visit sa Russia.
Suot ng Pangulo ang kanyang gawang Pinoy na wrist watch na kanya pang inilarawan na isang “elegante.”
Sabi pa nito na kailangan ng pamahalaan na pondohan ang lokal na industriya lalong-lalo na ang sapatos, para magkaroon ng kagamitan para makapaggawa ng magandang kalidad na mga produkto.