Mga manggagawang naregular sa trabaho umaabot na sa mahigit 49,000 ayon sa DOLE
Nadagdagan pa ang mga manggagawa na nakikinabang sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas-paggawa ng Department of Labor and Employment sa harap ng regularization drive ng kagawaran.
Batay sa pinakahuling tala ng DOLE-Bureau of Working Conditions, kabuuang 49,222 manggagawa na ang naging regular dahil sa pagsasagawa ng labor laws compliance consultations at assessments.
Sa ilalim ng Department Order 131-13 o ang Rules on Labor Laws Compliance System ,ang visitorial and enforcement power ng kalihim ng DOLEay nanatiling pangunahing balangkas sa pagtiyak ng pagsunod sa batas-paggawa.
Ang pagsasagawa ng Joint Assessment ay isa sa mga pamamaraan ng Labor Laws compliance officers ng DOLE upang suriin ang mga establisyamento sa pagsunod sa batas-paggagawa at iba pang mga alituntunin at patakaran.
Ulat ni : Moira Encina