Mga matatanda kasama na sa ipinatutupad na curfew sa Cotabato City
Pinalawak na ng Cotabato City government ang coverage ng curfew hours na pinatutupad sa 37 na barangay para sa kaligtasan ng mga residente.
Ayon kay City Chief Information Officer Halima Satol-Ibrahim, kasama na ang mga matatanda sa 10:30pm curfew na dapat ay para sa mga minor de edad lamang.
Sinabi ni Satol-Ibrahim ito ay para masiguro ang kaligtasan ng bawat residente sa siyudad.
Ipinatupad ng Cotabato City government ang curfew , isang araw matapos ang pagatake ng Maute group.
Ang no entry policy ay ipinatutupad sa mga taga-labas ng Cotabato City na walang identification card.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo