Mga negosyanteng magsasamantala sa presyo kaugnay ng pagpapatupad ng bagong tax law pagmumultahin ayon sa Malacañang

0
SecRML

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng mga consumers sa mga pagsasamantalang ginagawa ng mga tiwaling negoayante sa presyo mga bilihin kaugnay ng pagpapatupad ng bagong tax law.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez na mahigpit na babantayan ng kanyang ahensiya ang galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Lopez ang nasusumoungang magsasamantalang negosyante ay pagmumultahin ng halagang mula dalawampung libong piso hanggang isang milyong piso.

Inihayag ni Lopez nasa 7 to 8 percent lamang ang epekto ng excise tax sa petroleum products kaya hindi dapat lalagpas ng piso ang price adjustment sa pamasahe at sa presyo ng mga bilihin.

Naniniwala si Lopez na maging sa hanay ng mga negosyante ay nagdadalawang isip din na magtaas na todo sa presyo ng kanilang produkto dahil sa umiiral na kompetisyon sapagkat sila din ang mawawalan sapagkat ang mga mamimili ay hahanap ng murang bilihin.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *