Mga paliparan sa buong bansa mananatiling bukas – CAAP
Mananatiling bukas ang lahat ng paliparan sa bansa sa harap ng nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, normal ang operasyon ng mga paliparan sa buong bansa.
Kasabay nito, tiniyak rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kaligtasan ng mga biyahero.
Gayunman, umapela si Tugade na maging alerto at mag-ingat sa lahat ng oras.