Mga pintuan ng Malakanyang isinara dahil gustong pasukin ng mga raliyista ngayong Labor Day

0
palas complex

Isinara na ng mga kagawad ng Presidential Security Group o PSG ang lahat ng pintuan na papasok at palabas sa Palasyo ng Malakanyang.

Itoy matapos malatanggap anh PSG ng intelligence report na tatangkain ng mga raliyista na pasukin ang Malakanyang para makausap si Pangulong Duterte.

Batay sa schedule ng Pangulo ipagdiriwang niya ang kanyang unang Labor Day sa Peoples Park sa Lungsod ng Davao.

Hindi na rin pinapapasok sa Malakanyang complex ang mga pampublikong sasakyan at tanging mga pribadong sasakyan na may access pass ang pinahihintulutan ng makapasok matapos dumaan sa mahigpit na security assessment.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *