Mga pulis na nakakarekober mula sa Covid-19, nadaragdagan pa

188109049_5616053621769181_3880143792403826091_n

Ngayong araw, May 24, 2021, nakapagtala ang Philippine National Police ng 100 recoveries mula sa Covid-19.

Dahil dito, ayon sa datos ng PNP Health service, pumalo na sa 21,304 ang recovered cases sa kanilang hanay.

Samantaka, nakapagtala naman ng panibagong 97 kaso ng virus infection sa PNP kaya pumalo na sa 22,847 ang kabuuang kaso pero nasa 1,480 lamang dito ang active cases.

Nanatili naman sa 63 ang death toll dahil walang naitalang bagong namatay mula sa virus infection.