Mga relong ninakaw mula sa aktor na si Keanu Reeves maibabalik na

Courtesy: Reuters
Ibinalik na ng Chilean authorities sa US Federal Bureau of Investigation (FBI), ang anim na mamahaling mga relo na ninakaw mula sa Canadian actor na si Keanu Reeves, matapos iyong marekober sa isang police raid.
Isa sa mga ninakaw na relo ay engraved Rolex na nagkakahalaga ng hindi bababa sa 9,500 dollars.

Courtesy: Reuters
Aasikasuhin naman ng FBI ang pagsasauli ng mga ito sa aktor, na mas nakilala sa kaniyang naging papel sa action franchises gaya ng The Matrix at John Wick.
Ayon sa Chilean prosecutors, tinukoy ng aktor ang mga relo na siyang ninakaw mula sa kaniyang bahay sa Los Angeles nang talamak pa ang mga high-profile na nakawan sa lugar noong December 2023.

Courtesy: Reuters
Ayon kay Marcelo Varas, isang police officer mula sa robbery investigation squad ng Chile, ang kabuuang halaga ng mga ninakaw na relo ni Reeves ay 125,000 dollars.

Courtesy: Reuters
Ang mga relo ng aktor na ninakaw sa kaniyang bahay sa hollywood Hills sa Los Angeles, ay natagpuan sa Santiago, kapitolyo ng Chile, nang magsagawa ang pulis ng raid at nakarekober ng mga nakaw na sasakyan, iPhones, mamahaling mga relo at designer handbags.