Mga sako natagpuan sa pagsisimula ng search and retrieval operation ng PCG sa Taal Lake

Courtesy: DOJ
Sinimulan na ngayong araw ng Philippine Coast Guard (PCG), ang pagsisid sa bahagi ng Taal Lake sa Laurel, Batangas para mahanap ang mga nawawalang sabungero bilang bahagi ng kanilang search and retrieval operation.
Tatlong rubber boat at isang rigid hull inflatable boat ang sinakyan ng bawat team na may kasamang technical divers mula sa coast guard.
Tinarget ng operasyon ngayon ang 100 – 270 metrong layo mula sa pampang ng Barangay Balakilong sa bayan ng Laurel.

Courtesy: DOJ
Sa diving operation, ay may mga nakapang matigas na bagay ang divers ng coast guard sa ilalim ng lawa na parang sako.
Pero hindi pa muna ito iniahon mula sa lawa at nilagyan muna ng boya para magsilbing marker.
Iaahon ito pagdating forensic experts mula sa National Bureau of Investigation at prosecutor mula sa Department of Justice.
Madelyn Moratillo