Mga senador nagbabala na mabibigo ang war on drugs ng administrasyon kapag hindi naparusahan ang nasa likod ng secret jail sa MPD
Nanawagan ang mga Senador na agad patawan ng parusa ang mga opisyal at tauhan ng pulisya na mapapatunayang nasa likod ng paglalagay ng sikretong selda sa Station 1 ng Manila Police District.
Nagbalala si Senador Francis Pangilinan na mabibigo ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga kung hindi mapaparusahan si MPD Station 1 Commander Supt. Robert Domingo at mga tauhan nito.
Patuloy kasi aniyang mamamayagpag ang mga tiwali at abusadong pulis.
Itinulad naman ni Senador Panfilo Lacson ang mga taga Station 1 ng MPD
sa mga pulis na nasa likod ng pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.
Mas masahol pa aniya sa kidnap for ransom gang ang mga pulis.
Pangamba ni Lacson, magdudulot na naman ito ng panibagong dagok sa hanay ng PNP.
Ulat ni: Mean Corvera
