Minority Bloc naghain ng resolusyon para mabigyan ng temporary furlough si Sen. de Lima

0
ddd

Suportado ng oposisyon ang hirit ng nakakulong na si Senadora Leila de Lima na pansamantalang makalabas sa PNP Custodial Center para makaboto sa mga importanteng lehislasyon sa Senado.

Sa kanilang inihaing Senate Resolution 391 na pirmado ng limang miyembro ng minority bloc, sinabi ng mga Senador na hindi pa convicted si de Lima kaya maari pa nitong magamit ang kaniyang political at civil rights.

Hindi rin dapat ipagkait kay de Lima ang kaniyang physical liberty lalo’t isa pa itong mambabatas.

Kahit ang Korte Suprema ilang beses nang pinagbigyan ang hirit ng ilang dating Senador na nakasuhan na rin ng non bailable offense na magkaroon ng temporary furlough dahil sa humanitarian reason.

Tinukoy sa resolusyon sina dating Senador Jinggoy Estrada at Ramon Bong Revilla dahil sa family at health reasons.

Pero ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, hindi ang Senado kundi ang Korte ang magpapasya sa kaso ni de Lima.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *