Minority group boboto bilang isang Bloc sa impeachment complaint laban kay Pang. Duterte

0
digs2

Boboto bilang isang bloc ang Minority group sa Kamara sa isyu ng impeachment laban kina Pangulong Duterte at Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na iisa ang magiging boto nila sa usaping ito hindi kagaya ng kanilang naging boto sa Death Penalty Bill na pinairal ang conscience vote ng Minority Congressmen.

Ayon kay Suarez, ang pagkakaroon ng isang boto sa usapin ng impeachment ay napagdesisyunan na nila sa kanilang naging pulong sa Minorya.

Gayunman, hindi pa nila nababasa ang ikinakasang reklamo laban kay Robredo kaya wala pa silang malinaw na posisyon dito.

Ayon naman kay Buhay Rep. Lito Atienza, hindi tamang pagbasehan ng impeachment complaint laban kay Robredo ang video message nito sa UN kung saan isiniwalat ang isyu ng palit ulo at binatikos ang kampanya sa droga ng gobyerno.

Ito aniya ay bahagi ng karapatan ni Robredo na pumuna sa inaakala nitong mali sa pamahalaan.

Giit ni Atienza, ibang usapan na ang isyu ng SALN  ng Bise Presidente.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *