MMDA at DILG bumuo ng plano ukol sa pagresolba sa ilegal na paradahan sa Metro Manila

Nagpulong ang mga miyembro ng technical working group (TWG) sa pangunguna ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Asst. Gen. Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. for Plans and Programs Atty. Jon Salvahan, upang resolbahin ang iligal na paradahan sa mga lansangan ng Metro Manila.

Tinalakay ang ilang panukala sa uniform o isa na lamang Metro Manila illegal parking policy kasama si Traffic Discipline Office (TDO) for Enforcement Director Atty. Victor Nunez, at mga traffic officials at representatives mula sa Metro Manila local government units.
Inilahad din ng MMDA ang proseso ng pag-deputize sa mga traffic enforcer sa Kamaynilaan.

Gagawa ang grupo ng panuntunan para tugunan ang mga isyu sa pagparada sa lansangan sa Metro Manila na isusumite sa DILG, at pag-uusapan naman sa Metro Manila Council na binubuo ng 17 alkalde ng Metro Manila.
Manny De luna