MMDA handang magdagdag ng sasakyang pangpubliko pantapat sa jeepney strike
Nakahanda ang Metropolitan Manila Development Authority o (MMDA) na magpalabas ng karagdagan na sasakyang pangpubliko dahil sa nagaganap na rally ng mga jeepney driver.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim pinaghandaan na nila ang mga posibleng mangyari lalo na kapag may kakulangan sa mga transportasyon.
Nagrally kaninang umaga ang mga Jeepney Operator at driver na miyembro ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o (PISTON) dahil sa inilulunsad ng gobyerno na modernization ng mga jeep.
Dagdag pa ni Lim mayroon ding Metrobase Center na nagmomonitor kung kakailanganing magpalabas ng dagdag na sasakyan.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo