MMDA program na Bayanihan sa Estero, isinagawa sa Caloocan City

Courtesy : MMDA PIO
Dinala ng MMDA ang programa nitong Bayanihan sa Estero sa Tanigue Peripheral Canal, Brgy.16 at 18 sa South Caloocan City

Courtesy : MMDA PIO
Nakahakot ang MMDA ng 26 na trak ng basura sa paglilinis ng daluyang tubig.
Gumamit ang mga kawani ng crane, backhoe, barge, dump truck, at minor tools sa kanilang paghahakot ng basura sa lugar na bahagi ng programa sa temang “Estero ay Alagaan, Bayan ay Protektahan.”

Courtesy : MMDA PIO
Nagpaalaala naman ang ahensya na ang tamang pagtatapon ng basura ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa komunidad at nakatutulong para hindi bahain ang lugar, kaya dapat ay maging responsable sa pagtatapon ng basura.
Manny De luna