Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid, sumailalim na sa inquest proceedings

0
jadid

Sumailalim na sa inquest proceedings si Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid para sa kasong rebelyon.

Siya ang pinaka-bata sa pitong Maute brothers, na pawang nanguna sa pagsalakay sa Marawi City.

Ayon kay Department of Justice o DOJ Undersecretary Erickson Balmes, na-inquest si Maute sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro.

Inasistihan si Maute ng dalawang abogado mula sa Public Attorney’s Office.

Si Abu Jadid, na isang hinihinalang bomb-maker, ay naaresto sa isang bahay sa Cagayan de Oro noong nakalipas na linggo.

Batay sa otoridad, si Abu Jadid ay sangkot sa ilang pagpapasabog sa Mindanao, maging sa pagdukot at pagpatay sa Lanao del Sur noong nakalipas na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *