Monthly amortization sa Pandi housing projects, bumagsak dahil sa KADAMAY issue

0
check

Inamin ng National Housing Authority na bumagsak ang kanilang koleksyon para sa monthly amortization ng housing projects sa Pandi Bulacan dahil sa nangyaring iligal na pag okupa ng grupong KADAMAY sa mga housing projects doon.

Sa briefing na isinagawa ng NHA bago ang occular inspection sa Pandi Bulacan, sinabi ni Engr Romuel Alimbuyao Deputy Area Manager sa Central Luzon, halos limampung porsyento ang hindi nila nasisingil mula noong Marso kung kailan pumasok ang mga miyembro KADAMAY.

Katwiran ng mga residente, bakit sila magbabayad kung maari naman palang ibigay ng libre ang pabahay ng gobyerno tulad ng ginawa ng KADAMAY.

Umaapela ang NHA sa gobyerno at Kongreso para bumalangkas ng malinaw na panuntunan dahil sa pangambang mabangkarote ang ahensya.

Sa ngayon nakapagsagawa na ang NHA ng profiling sa 5, 278 na miyembro ng KADAMAY para malaman kung lahat sila ay kwaliikado na maging benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng profiling malalaman din kung meron silang mga kapangalan o extended family member.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *