Moratorium sa field trips, posibleng palawigin pa ng Department of Education

0
deped

 

Posibleng palawigin ng Department of Education ang moratorium sa field trips sa mga public elementary at high schools.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, nasa kalagitnaan pa ng diskusyon ang pinamumunuan niyang technical working group na naatasang pag-aralan ang lahat ng polisiyang sumasaklaw sa educational trips.

Hihintayin pa aniya nila ang ilalabas na guidelines ng Commission on Higher Education na unang nag-issue ng moratorium para naman sa lahat ng higher education institution noong Pebrero matapos ang bus accident na ikinasawi ng labinlima (15) na karamiha’y college students sa Tanay, Rizal.

Inihayag ni Mateo na partikular nilang tinitingnan ang posibleng pagsasaayos sa umiiral na mga polisiya sa school excursions kada learning areas kung saan maglalatag ng mga probisyon para sa kinder hanggang Grade 3, 4 hanggang 6, junior high school at senior high school.

Gayunman, maaaring matagalan bago ito maipatupad at tiyak na lalampas sa self-imposed June deadline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *