MRT-3, LRT-1 at LRT-2 nagbigay ng libreng sakay ngayong araw

DOTr
Kasunod ng suspensyon ng klase dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan sa ilang lugar sa Metro Manila, ay nagpatupad ng libreng sakay ang MRT-3, LRT-1, At LRT-2 na nagsimula ng alas doce ng tanghali ngayong Biyernes, Agosto 22, 2025, sa atas na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero at tiyaking mabilis at ligtas silang makakauwi sa kanilang mga tahanan.
DOTr