MSMEs nais ni Senate President Francis Escydero na malibre sa pagbabayad ng income tax

0

Nais ni Senate President Francis Escudero, na malibre sa pagbabayad ng income tax ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa loob ng tatlong taon.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na isinulong ni Escudero na layong bawasan rin ang taxable income ng maliliit na negosyo na katumbas ng kanilang labor expenses.

Bukod sa income tax, pinatatapyasan din ng senador ang buwis sa gross sales at nais niya na ibaba ito sa 5% mula sa kasalukuyang 8%.

Itutulak din ng mambabatas ang reinstitution ng mandatory credit allocation para sa MSMEs sa lahat ng lending institutions sa loob ng sampung taon, para bigyan ng mas maluwag na access sa pag-utang pinansyal ang mga maliliit na negosyo.

Ito ay bilang pagkilala aniya sa kontribusyon ng maliliit na negosyo sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Escudero, sa datos ay aabot sa 67% ang kabuuang employment sa bansa mula sa MSMEs.

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *