Municipal Health Office ng Alfonso Cavite sarado muna sa publiko.

images-2

Isinara muna pansamantala sa publiko ang Tanggapan ng Municipal Health Office sa Alfonso Cavite.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang kawani ng naturang tanggapan.

Kaagad na ring ipinag-utos ni Alfonso Cavite Mayor Randy Salamat ang contact tracing at pag-schedule ng swab test sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong kawani ng nasabing tanggapan.