Nabibiktima ng masasamang loob mas tumaas sa unang tatlong buwan ng 2017- SWS survey
Dumami pa ang mga pamilyang nabibiktima ng masasamang loob sa unang tatlong buwan ng taong ito.
Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, umakyat ng 6.3% o 1.4 million families ang nadagdag sa bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsabing biktima sila ng street robbery, pagnanakaw at carnappers.
Ang nasabing figure ay halos dalawang (2) puntos na mas mataas sa itinuturing na pinakamababang record na 4.5% o 1 milyong pamilya noong December 2016.
Nasa 6.8% o 1.6 million families naman ang itinaas ng mga biktima ng common crimes kumpara sa record low na 4.9% sa fourth quarter ng nakalipas na taon.
Umakyat ng dalawang (2) puntos ang bilang ng mga pamilyang nabiktima ng street robbers o mula 3. 3% noong December 2016 ay naging 5.3% na sa unang quarter ng taong ito.
Tumaas naman ng isang (1) porsyento ang mga pamilyang nabiktima ng carnapping sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa apatnapu’t dalawang libong (42,000) pamilya noong Disyembre.
Tumaas din ng 5.3% ang mga pamilyang nanakawan ng kanilang personal na ari-arian mula sa 6.7% na naitala sa huling buwan ng 2016.