Nakatakdang ituloy ng Military court martial ang pagdinig sa kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes kasunod ng pagrevoke sa kanyang amnesty na idineklarang “void ab initio” sa ilalim ng proclamation 572 na inisyu ni Pangulong Duterte.
Muling itutuloy ng military court martial ang pagdinig sa kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng Oakwood mutiny at Manila Peninsula incident noong 2003 at 2007.
kasunod na rin ito ng pagrevoke sa kanyang amnesty na idineklarang “void ab initio” sa ilalim ng proclamation 572 na inisyu ni pangulong duterte.
Itutuloy ang pagdinig kahit pa retirado na sa serbisyo si Trillanes.
Sa ngayon ay nagpatawag na ng pagpupulong ang AFP judge advocate general sa para bumuo ng general court martial na didinig sa kaso ni Trillanes.
Inamin naman ng armed forces of the philippines na patuloy pa nilang hinahanap ang mga dokumento na umanoy isinumite ni Senator Antonio Trillanes nang mag apply ito ng amnesty noong 2011.
Itoy kahit pa nag issue na nang certification ang office of the deputy chief of staff for personnel o J1 na wala silang hawak na dokumento kaugnay ng amnesty application ni trillanes.
Sa harap nito,nanindigan naman ang AFP at ang Department of National Defense na hindi sila nagpapagamit sa pulitika at sumusunod lang sila sa chain of command.
Naniniwala ang AFP at DND na sa militar dapat mapunta ang kustodiya ni Trillanes habang dinidinig ang kanyang kaso sa military court martial.
Ulat ni Mar Gabriel