Namatay sa matinding ulan at baha sa South Korea, umakyat na sa 17

Photo: Reuters
Umakyat na sa labingpito ang namatay at labing-isa ang nawawala, mula nang magsimula ang mga pag-ulan sa south korea noong miyerkoles na nagtulak din sa sapilitang paglikas ng mahigit sa labingtatlong libong katao.

Photo: Reuters
Ito’y matapos na makapagtala ng dagdag pang dalawa na namatay at limang nawawala sa gapyeong county nitong linggo, makaraang tabunan ng landslide ang mga bahay at campsites at tangayin ng baha ang mga sasakyan sa gitna ng malakas na ulan.

Photo: Reuters
Agad namang ipinag-utos ni South Korean President Lee Jae Myung ang mabilisang assessment sa mga pinsala at agad ding nagtalaga ng special disaster zones upang maragdagan ang state support.

Photo: Reuters
Ayon sa government weather forecaster, ang malakas na ulan ay susundan ng isang heat wave.