Namatay sanhi nang tuloy-tuloy na pag-ulan sa Australia, umakyat na sa apat

A drone view shows a flooded area following heavy rains, in Tinonee, New South Wales, Australia May 21, 2025. Harrison Reed/Handout via REUTERS
Umakyat na sa apat ang namatay sanhi ng tatlong araw nang walang tigil na pag-ulan sa timog-silangang bahagi ng Australia, kung saan isa sa namatay ay ang lalaking na-trap sa isang sasakyatng inanod ng tubig-baha.
Ayon sa mga awtoridad, ang sasakyan kung saan nakita ang bangkay ng lalaki ay natagpuan malapit sa Coffs Harbour, halos 550 kilometro p 342 milya ang layo sa hilaga ng Sydney.

A woman holds a bag at a flooded house as she is rescued by a rescue personnel in Pampoolah, New South Wales, Australia, May 21, 2025 in this screengrab taken from a handout video. Westpac Life Saver Rescue Helicopter/Handout via REUTER
Samantala, mahigit sa isangdaang eskuwelahan ang sarado pa rin, habang libu-libong properties ang nawalan ng kuryente.
Nagbabala naman ang mga awtoridad sa mga residenteng nais nang bumalik sa kanilang mga bahay, dahil ang mga ilog ay maaaring manatiling nasa above danger level sa loob ng ilang araw, kahit pa bahagya nang humupa ang mga pag-ulan.

A drone view shows a flooded area following heavy rains, in Tinonee, New South Wales, Australia May 21, 2025. Harrison Reed/Handout via REUTERS