Napoles, nailipat na sa detention cell ng Camp Bagong Diwa saTaguig
Nailipat na ng kulungan ang tinaguriang pork barrel scam queen na si jJnet Lim-Napoles.
Mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, ibiniyahe si Napoles papunta sa Bureau of Jail Management and Penology Detention facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Kaninang madaling araw , dumating ang convoy ni Napoles sa Camp Bagong Diwa, patungo sa BJMP female dormitory.
Bantay-sarado si Napoles ng mga miyembro ng SWAT at Bureau of Corrections, at maging ang mga miyembro ng media ay pinagbawalang makalapit sa sinasakyang ambulansya ng tinaguriang pork barrel scam queen.
Una nang ipinag-utos ng Sandiganbayan First at Third Division ang agarang paglilipat ng kustodiya ni Napoles sa BJMP.
