Naudlot na anunsiyo ng Malacañang sa tatanggaling opisyal ng gobyerno, itutuloy ngayong hapon
Muling nangako ang Malakanyang na ngayong hapon na ibubunyag ang pangalan ng opisyal ng gobyerno na sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na matutuloy na ang anunsyo dahil wala ng sagabal na legal.
Ayon kay Roque sa Davao mismo papangalan niya ang sisibaking opisyal.
Si Roque ay ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Davao para doon pangalanan ang sisibaking opisyal na sinasabing sangkot sa katiwalian.
Hindi natuloy kahapon ang announcement ni Roque sa Malakanyang dahil may mga papeles pang dapat na tapusin bilang bahagi ng due process.
Ulat ni Vic Somintac