NBI tutulong sa implementasyon ng arrest order laban sa Maute members
Tutulong ang NBI sa implementasyon ng arrest order na ipapalabas ni Martial Law Administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa mga indibidwal na dawit sa kaguluhan sa Marawi City at iba pang bahagi ng Mindanao.
Sa harap ito ng unang arrest order ni Lorenzana laban sa 125 Maute members para sa kasong rebelyon na paglabag sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code at sa hinalang konektado sila sa gulo sa Marawi City at sa Mindanao.
Aagapay ang NBI sa pag-aresto sa mga indibidwal na kasama sa nasabing listahan.
Ayon sa NBI, ang mga ipina-aaresto ay sasailalim pa sa karagdagang imbestigasyon.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang isang tao na inaresto sa panahon ng Batas Militar at suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus ay kinakailangang makasuhan sa Korte sa loob ng tatlong araw, at kung mabibigo itong gawin, kinakailangang pakawalan ang inaresto.
Ulat ni: Moira Encina