NCRPO, naka full- alert sa state visit ni China President Xi Jinping sa bansa

0
Eleazar

Naka full alert ngayon ang buong puwersa ng National Capital Regional Police office (NCRPO) DAHIL sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay NCRPO Chief Dir. General Guillermo Eleazar, nasa 6,000 police personnel ang nakadeploy sa BUONG MaNILA AREA upang tiyakin ang seguridad.

Mula pagdating hanggang sa pag-alis ng Chinese President ay nakabantay at nakatutok ang buong puwersa ng NCRPO katuwang ang Manila at Southern Police district.

Bagamat hindi aniya nila ipagbabawal ang pagsasagawa ng mga kilos protesta, nakiusap naman ang NCRPO official na sumunod sa mga ipinaiiral na protocol.

HUmingi rin ng suporta at kooperasyon si Eleazar sa taumbayan para sa mapayapa at matagumpay na state visit ng Pangulo ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *