NHA nagbigay na ng deadline para okupahin na ang mga housing unit na nakatiwangwang
Nagbigay na ng deadline ang National Housing Authority hanggang June 15 ngayong taon sa mga tauhan ng PNP at AFP para okupahin ang mga nakatiwang-wang na housing units.
Ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr., kung hindi pa rin maookupahan ang pabahay hanggang may 30 posibleng ibigay na lamang ito sa mga kwalipikadong benipisyaryo.
Kabilang na rito ang mga public school teacher, brgy officials at mga informal settler.
Sa ngayon umaabot pa sa 55 thousand housing units ang natapos na pero hindi pa inookupahan ng mga benepisyaryo.
Ulat ni: Mean Corvera
