Ninoy Aquino International Airport Terminals , naka-alerto pa rin
Mananatiling nasa security alert level 2 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals dahil sa naging pagsabog as Quiapo, Maynila.
Ayon kay Ed Monreal, Manila International Airport Authority general manager, mananatili ang security alert maging sa mga empleyado na pumapasok sa paliparan.
Giit pa ni Monreal nagdagdag na rin ng mga pulis at bomb-sniffing dogs sa mga sensitibong lugar sa NAIA.
Kasunod ito sa pahayag ng International security analyst na ang Quiapo bombing ay maaaring dry run ng terror group na ISIS.
Bagaman sinabi na ni PNP- NCRPO Chief Oscar Albayalde, na hindi sangkot ang ISIS sa Quiapo bombing.
Tiniyak din ni Albayalde na wala rin itong kaugnayan sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations o ASEAN summit sa Nobyembre.
Ulat ni : Carl Marx Bernardo