No ID, No Entry, ipinatupad sa Cotabato City
Bilang pagsuporta sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao, nagpatupad ang Cotabato City government ng ‘No ID, No Entry’ policy.
Ayon kay Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, ito ay para matiyak na walang makapapasok na masasamang elemento sa lungsod na maaaring maghasik ng karahasan sa mga residente.
Napagkasunduan ang desisyon matapos ang emergency meeting ni Guiani-Sayadi sa mga pinuno ng Barangay kasunod ng madugong pag-atake ng mga terorista sa Marawi City.
Ipinag-utos din ng alkalde ang mas pinaigting na presensya ng pulisya at militar sa lungsod ang ang pagsasagawa ng checkpoints sa mga lugar na kinakailangan ito.
