OFW’s ikinatuwa ang hindi na pagbabayad ng airport terminal fee

0
ofw

Ikinatuwa ng maraming mga Overseas Filipino Workers ang hindi nila pagbabayad ng airport terminal fee.

Ito ay dahil sa nakatakdang pagpapatupad sa Abril 30 ng hindi na pagbabayad ng mga terminal fee ng bawat OFW.

Ang nasabing kautusan ay epektibo sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Sinabi ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na maaari pa ring  tanungin ng mga selling agent  ang mga OFW bilang kanilang proof.

Ilan sa mga katibayan na kanilang hinahanap ay ang employment certificate mula sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *