Oplan Sumvac, generally peaceful sa lalawigan ng Isabela

0
Oplan Sumvac, generally peaceful sa lalawigan ng Isabela

Photo: Erwin Temperante

Masaya, payapa at ligtas na summer vacation.

Ganito inilarawan ni Isabela police provincial Director Col. Lee Allen Bauding, ang kabuuan ng long weekend sa lalawigan.


Isabela police provincial Director Col. Lee Allen Bauding / Photo: Erwin Temperante

Naging matagumpay ang Oplan Summer Vacation o Oplan Sumvac 2025, mula sa paglalatag ng kanilang tauhan sa mga strategic area gaya ng help desk sa mga terminal, business establishment, pangunahing kalsada, maging sa mga tourist attraction gaya ng mga ilog pasyalan na patok na patok ngayon sa panahon ng tag-araw.

Bukod sa higit limangdaang pulis na ipinakalat sa iba’t ibang lugar sa lalawigan, nagtalaga rin ang PNP Isabela ng mga umiikot at rumuronda, upang panatilihin ang peace and order sa lalawigan.

Photo: Erwin Temperante

Paliwanag ng PNP Isabela, malaki ang ambag ng ginawa nilang pagbibigay babala at paalala sa mismong mga ilog pasyalan na dinumog ng mga balik-probinsiya at turista sa Isabela.

Bumaba rin ang insidente ng aksidente sa kaparehong petsa mula noong April 14 hanggang 20, 2025. Mula sa naitalang 41 cases ng aksidente ng nakaraang taon, 22 lamang ang naitala ngayon.

Sa kabuuan ng long weekend, ay generally peaceful ayon kay Col. Bauding.

Gayunman, hindi pa aniya natatapos ang kanilang gampanin dahil hanggang ang pagbalik ng mga turista at iba pang dumayo sa lalawigan, kailangan nilang bantayan.

Erwin Temperante

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *