Oposisyon nangangamba na term extension talaga ang pakay ni Senador Pimentel sa chacha dahil hindi na ito maaaring kumandidato

0
d117

Tiwala si Sen Franklin Drilon na hindi ang pagpapalawig ng termino bilang senador ang pakay ni Senate Pres Koko Pimentel sa pagsusulong nito ng charter change sa pamamagitan ng constituent assembly o con-ass

Ayon kay Drilon, nakapagdududa dahil nasa huling termino na ni Pimentel at hindi na ito maaring tumakbo para sa reelection sa May 2019.

Pero naniniwala si Drilon na mas disente umano si Pimentel kumpara sa mga kongresista para magkainteres sa term extension

Kumpyansa si Drilon na hindi boboto si Pimentel sa isang probisyon na alam niyang self-serving o kapakipakinabang sa kanyang sarili dahil alam ng senador na magiging tampulan lamang siya ng pagbatikos ng taong bayan

Magtatapos ang termino ni Pimentel sa 2019 katulad nina Senators Chiz Escudero, Gringo Honasan, Loren Legarda, at Sen Antonio Trillanes.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *