Oposisyon sa Senado nababahala sa ginawang pagtanggi ni Pang. Duterte sa tulong ng EU

0
eu

Nababahala ang oposisyon sa Senado sa desisyon ng Duterte administration na tanggihan ang development aid mula sa European Union.

Pangamba ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, maaring magdulot ito ng negatibong epekto sa trade relations ng Pilipinas at mga bansang kasapi ng EU.

Dapat aniyang pag aralan munang mabuti ng Malacanang ang desisyon nito dahil ang EU ay isa sa mga trading partner ng Pilipinas lalo na sa peace and developemt sa Mindanao.

Katunayan 80 percent ng nakukuhang tulong Pilipinas mula sa EU, inilalaan para pondohan ang mga socio economic recovery ng mga lugar na apektado ng digmaan sa Mindanao.

Bukod sa development aid, ang Pilipinas ay isa sa mga benipisyaryo ng generalized system of preference plus  o GSP plus at pinapayagan ang pag eexport ng mga produkto sa EU ng walang binabayarang buwis kasama na ang sikat na tuna sa General Santos City.

Dahil sa hakbang ng gobyerno hindi malayong matanggal ang Pilipinas sa listahan ng GSP+ at mawala ang kita  na aabot sa 1.38 billion kada taon.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *