Pabahay para sa mga sundalo at pulis substandard ayon sa PNP

0
pandi4

Hindi pasado sa standards ng Philippine National Police ang mga ipinatayong housing units ng National Housing Authority para sa mga pulis at sundalo.

Batay ito sa ginawang pag iikot ng mga opisyal ng PNP kasama ang mga Senador at Kongresista sa mga housing units sa Pandi Bulacan.

Reklamo ni Police Major Ronald Valencia, Chief ng Project Management Section ng Directorate for Logistics ng PNP, walang beam o mga poste ang 22 square meter na housing unit kaya prone ito sa lindol.

Bitak bitak ang mga pader at tila tinipid ng NHA.

Iginiit ni Valencia na handa namang magbayad at ikakaltas sa sweldo ng mga pulis ang monthly amortization pero sana yung maayos at mas malaking housing units.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *