Pag-abswelto kay PGMA sa kasong plunder, pinagtibay ng Korte Suprema

0
gma

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon nito na i-abswelto si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder.

Sa botong 11-4, ibinasura ng Supreme Court ang motion for reconsideration na inihain ng Office of the Ombudsman dahil sa kawalan ng merito.

Ayon sa Korte Suprema, ang pagbaligtad sa nauna nilang desisyon noong July 2016 ay mangangahulugan ng ” double jeopardy” na hindi pinapayagan sa ilalim ng criminal law.

Una nang pinaboran ng Korte Suprema noong nakaraang taon ang demurrer to the evidence ng kampo ni Arroyo na nagbabasura sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa botong 10-5, pinagtibay ng Korte Suprema ang pagpapawalang-sala rin sa kapwa akusado ni Ginang Arroyo na si dating PCSO Budget and Accounts Manager Benigno Aguas.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *