Pag-abuso sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin , sisiyasatin ng Senado
Magpapatawag na ng Oversight Hearing ang Senate Committee on Energy sa
pagbubukas ng sesyon sa susunod na linggo para imbestigahan ang mga
pag-abuso sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot naman
ng pagpapataw ng karagdagang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na
nakatanggap sya ng report na may mga grocery store at ilang
gasolinahan ang nagsamantala at nagtaas ng presyo noong disyembre
gayong hindi pa naipatutupad ang tax reform for acceleration and
inclusion o train.
Sinabi ni Gatchalian na iimbestigahan nila ngayon kung tugma ba sa
ipinataw na excise tax ang anumang naging pagtaas sa presyo ng mga
produktong petrolyo.
“titignan ang presyo ng petrolyo kung tama ang pumapasok ilan ang
pumapasok tama ang pinapatnong na excise tax.. coal meralco
magpapataas ng singil titignan natin kung me claim ka na ganyan tigna
kung tama ang claim check and balance kung tama ang ipinapasa sa mga
consumers”
Inamin ni Gathalian na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina,
ilang pangunahing bilihin at mga serbisyo pero dapat minimal o maliit
lamang ito.
Sinabi ni Gatchalian na kasama sa kanilang ipapatawag ang mga opisyal
ng Department of Energy at Department of Trade and Industry na syang
may kapangyarihan para kastiguhin ang mga kumpanyang mapapatunayang
umabuso.
Sakaling mapatunayan, maaring makasuhan ng kriminal ang mga kumpanyang umabuso.
Ulat ni Meanne Corvera