Pag-amyenda sa TRAIN Law isusulong ni Senate President Chiz Escudero

0

Courtesy: PCO

Isusulong ni Senate President Francis Escudero, ang pag-amyenda sa Tax Reform Acceleration And Inclusion Lao o TRAIN Law, sa pagbubukas ng 20th congress.

Ito ay upang mabigyan ng standby authority ang Department of Finance (DOF), para ibaba ang ipinapataw na value added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Escudero, dapat ibaba ang VAT sa oil products kapag tumataas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado dahil sa nangyayaring girian sa pagitan ng Israel at Iran.

Kapag kasi tumaas ang presyo ng petrolyo, natural aniya na tataas ang makokolekta ng gobyerno na VAT na nakapako na sa 12 percent.

Hindi naman aniya makatwiran na kikita ang gobyerno, habang pinapasan ng taumbayan ang mataas na presyo ng petrolyo.

Ayon kay Escudero, “Kapag tumaas yung presyo ng langis, halimbawa mula $40 patungong $100, e di magkakaroon ng malaking kita ang gobyerno dahil percentage tax yung VAT, hindi ba mali yun? Babalikatin, papasanin ng sambayanan yung malaking kita ng gobyerno, samantalang wala naman yun sa pinroject nilang kita para sa taong yon.”

Pero dahil matagal na proseso aniya ang legislation, maaaring pabawasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang tariff at duties ng petroleum products, kung may ganitong ipinapataw ngayon.

Sa batas aniya, kapag naka-adjourn ang kongreso, may kapangyarihan ang pangulo na bawasan ang tariffs at duties ng mga ini-import na produkto.

Ani Escudero, “Kung hindi ako nagkakamali, ang projected na presyo ng krudo, ng crude oil, ay nasa $40 to $60 for 2025. Pag pumalo yan ng $81 dahil sa kaguluhan sa Middle East, e di malaking porsiyentong makukuha ng gobyerno. Hindi naman na tama yon. So, babalik, imumungkahi namin muli yang standby authority na yan sa pagpasok ng kongreso.”

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *