Pag-host ng Pilipinas sa ASEAN summit, malaking tulong sa ekonomiya
Malaki ang magiging pakinabang sa ekonomiya ang pagiging host ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.
Sinabi ni ASEAN business advisory council chair Joey Concepcion posibleng mag-boom ang pagnenegosyo sa Pilipinas lalo na ang mga Small at Medium Enterprises.
Sa pamamagitan ng summit magkakaroon ng palitan ng impormasyon sa nangyayaring kompetisyon sa kalakalan.
Naniniwala si Concepcion na malaki ang maitutulong ng mga ganitong summit para mapaunald ang ekonomiya hindi lang ng Pilipinas kundi maging ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Bukod sa pagnenegosyo, natalakay rin ang kinakaharap na hamon ng ibat ibang bansa,kabilang na rito ang mga nakahahawang sakit at matinding epekto ng climate change.
