PAGASA Island, isinulong sa Senado na ideklarang Ecotourism destination

0
Pagasa_Spratly_DX0P

Isinusulong ngayon sa Senado ang panukalang ideklarang Ecotourism destination at protected area ang PAGASA Island.

Sa Senate Bill 944 na inihain ni Senador Sonny Angara, ipinanukala nito ang pagbuo ng governing board na mangangasiwa sa development ng Kalayaan para maging major tourist destination.

Ang PAGASA Island  ay isang magandang Isla at hindi na kailangang I develop pa ang magandang beach nito.

“With its impeccable beauty, the island is an ideal tourist destination…the rich biodiversity and truly Filipino heritage truly reflects the beauty of a paradise that our country should be proud of”- Sen. Angara

Sa pamamagitan aniya ng mabubuong batas, magkakaroon rin ng dagdag na ayuda ang Kongreso lalo at ang PAGASA Island ang ikalawa sa pinaka malaking isla sa Kalayaan group of Island na kailangang alagaan at protektahan ng Pilipinas.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *