Pagbasura ng CA sa appointment ni DENR Secretary Gina Lopez tanggap ng Malakanyang

0
lopez2

Walang magagawa ang Malakanyang kundi tanggapin ang kapalaran ni Department of Environment Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.

Ito’y matapos na i-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments ang appointment ni Secretary Lopez.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na buo ang suporta ni Pangulong Duterte kay Secretary Gina Lopez dahil personal choice siya ng Chief Executive.

Ayon kay Abella tanggap ng Malakanyang ang desisyon ng Commission on Appointments.

Inihayag ni Abella na sa ngayon ay wala pang napipili si Pangulong Duterte na ipapalit kay Secretary Lopez sa DENR.

Idinagdag ni Abella na wala siyang impormasyon kung bibigyan ng ibang posisyon sa gobyerno si Gina Lopez.

Si Secretary Lopez ang pangalawang cabinet official ng Duterte administration na ni-reject ng Commission on Appointments pagkatapos ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay Jr.

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *