Pagbibigay ng libreng visa sa mga Pilipino, pansamantala munang ititigil ng Taiwan
Ihihinto muna pansamantala ng Taiwan ang pagbibigay ng libreng visa sa mga Filipino ayon sa Taipei Economic and Cultural Office o (TECO) na nakabase sa Pilipinas.
Sinabi ng Taiwan’s Ministry of Foreign Affairs o MOFA na ititigil nila ng isang taon ang pagbigay ng libreng visa sa mga Pilipino dahil kailangan nilang makumpleto ang mga administrative procedure at inter-agency coordination.
Inanunsyo ng MOFA na magsisimula ito sa Hunyo.
Ayon sa TECO, maglalabas ang MOFA ng fully detailed implementation para sa visa free travel at ang eksaktong petsa kung kelan ito maipatutupad.
Sinabi ni Gary Song-Huann Lin, Taiwanese representative sa Pilipinas, priority ng Taiwan na mabigyan ng visa-free travel ang mga Filipino at ang pansamantalang paghinto ng pagbibigay nito ay para lamang maisaayos ang operasyon at magkaroon ng maayos na immigration at seguridad ng lahat ng pasahero.
Inanunsyo ang visa free agreement para sa mga Filipino noong Abril bilang parte ng “New Southbound Policy” para mapaganda ang ekonomiya at pagkakaibigan ng mga bansang kasama rito.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
