Pagbubukas ng ‘DOLE clinics’sa Public Employment Service Offices, iniutos ni Sec. Bello

0
bello1

Iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga Regional officers ang pagbubukas ng ‘DOLE clinics’ sa mga public employment service offices o peso sa mga local government unit sa buong bansa.

Ayon sa kalihim, ang DOLE clinics ang magiging sentro ng serbisyo publiko ng kagawaran.

Layuning aniya nito na mas mapabilis at maging epektibo ang paghahatid serbisyo ng DOLE sa mga komunidad.

Magbibigay aniya ang DOLE clinics  ng impormasyon, serbisyo, at tulong sa iba’t ibang sangay at ahensya sa mga isyu sa trabaho, at tulong -pangkabuhayan.

Bubuo ng detalyadong panuntunan ang DOLE sa mga ‘clinic’ at ihahanay ito sa mga aktibidad ng regional offices ng departamento.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *