Pagbubukas ng klase tuloy sa Hunyo a-5 kahit umiiral ang Martial Law sa Mindanao – DEPED

Tuloy pa rin ang pasukan sa Hunyo a-5 sa kabila ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, walang magiging pagbabago sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong elementarya at high school sa kabila ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Aniya, hindi naman ginamit na evacuation centers ang mga paaralan dahil sa provincial capitol at Mindanao State University pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuee.
Ngunit posible pa rin aniya itong magbago depende sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo dDterte at gabinete nito.