Pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao hindi na dapat ipagtaka ayon sa Malakanyang
Hindi na dapat ipagtaka ng sambayanan ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kahit noong panahon pa ng kampanya ay sinabi na ng Pangulo na hindi siya magdadalawang isip na magdeklara ng Martial Law kung kinakailangan.
Ayon kay Panelo mismong si Pangulong Duterte na ang nagpaliwanag bago umalis ng Moscow Russia na kinailangan niyang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao para isalba ang bansa sa kamay ng mga terorista.
Pangunahing dahilan ng Pangulo sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao ay ang ginawang pag-okupa ng Maute group sa mga pangunahing government installation.
Ulat ni: Vic Somintac